Monday, March 28, 2011

Hindi lang siguro mahal yung tamang salita.

Ang weirdo ko. So binasa ko ulit yung blog entry ko dito nung nakaraan. Wala lang bigla na naman akong naguluhan, ang dami na namang mga salita na umikot sa ulo ko. Ang daming emosyon ang humuhugot sa utak ko. Ewan ko, siguro kasi tungkol sa kanya yun. Tungkol samin.

Kahapon nagsimba ako kasama ng bestfriend ko, napansin ko yung pagkabalisa niya. Alam ko yung dahilan. Alam ko na may tao siyang ayaw niyang makita pero gusto niya. Ang ironic ba? Siguro andun lang yung mixed emotions niya. Hindi niya din alam kung paano siya magrereact kung magkita man sila ulit. Hindi siguro siya sigurado sa mararamdaman niya, sa magiging outcome ng pagkikita nila ulit. Pati tuloy ako natetense, paano nga kung magkita sila ulit?

Nagsimula na yung sermon, wala namang bakas ni ex. Wala. Ako hindi ko maramdaman. Pero biglang tahimik yung bestfriend ko. Maya-maya pa parang may tao akong kilala na naghahanap ng bakanteng upuan, tapos yun na. Bigla kong naramdaman yung kakaibang hangin. Natawa ako, pero naawkwardan din ako sa moment. Sa dinami-dami ng araw na malelate at mauubusan ng upuan sa bandang likuran, ngayon pa!Ngayon pa kung kelan dun kami nakaupo sa likuran nila.

Sa totoo lang natatakot ako pag lumilingon yung tatay niya at siya. Ayoko lang kasi nung pakiramdam na yung katabi ako eh iba yung pakiramdam. Magulo ba? Basta yun na yun.

Pero sa nangyari, hindi lang siguro "MAHAL" yung tamang salita. More like, "MASAKIT" pa. Ewan ko. Siguro fresh padin yung mga nangyari.

Pero may mga bagay lang na hindi na talaga dapat pinipilit, para wala ng gulo.

No comments: