Hindi ko alam kung bakit nagddrama pa ko ngayon. Ang alam ko kagabi lang masaya akong nakikipagtsismisan sa kaibigan ko tungkol sa lalaking gusto ko ngayon. Tapos ngayon lang kausap ko yung bestfriend ko, tinanong niya ko kung bakit parang biglaan kong naisip tong mga ganito. Uhm, hindi eksaktong ganyan pero parang ganyan yung dating sakin, ang nasagot ko nalang..
"Ganito ata talaga pag meron kang bago, bigla mong naaalala yung mga dati."
Pero sa totoo lang hindi ko na gusto pang alalahanin yung dati, ano pa bang matatandaan ko bukod dun sa mga sakit na dinala mo? Ano pa bang dapat kong ipaalala sa sarili ko? Yung ipinamukha niyo sakin na hindi ko na dapat pinilit yung sarili ko sayo? Nakakainis kasi na sa bawat galaw mo ngayon yun at yun nalang yung nakikita ko. Parang mero kang salamin sa na nagpapakita sakin nung nakaraan. Parang andiyan ka lang lagi para ipaalala sakin na masakit magmahal, lalo na pag sobra. Parang ikaw yung lesson sa school na kailanman hindi ko kayang mamaster, parang proving lang. Hindi ko kayang iprove na yung triangle A ay equal sa triangle B. Parang yung pagmamahal mo na sinasabi ko noon pa, hindi ko kayang iprove na equal yung naging pagmamahal mo saming dalawa.
Paano mo nakayang nakita akong nasasaktan? Putangina mo, yun yung dati ko pa gustong sabihin sayo. Lagi mong isinasaksak sa utak ko na hindi ka pa ready magmahal, eh bakit ako ready na ba? Sinubukan ko diba? Sinubukan ko pero ano yung napala ko, ako pa yung masama. Ako pa yung walang kwenta. Ako pa yung nagmukhang gago. Nakakainis kasi na sa lahat ng nangyari, ikaw padin yung kawawa.
Ang dami mo kasing bagay na gustong gawin. Alam ko siya padin yung dahilan kung bakit gusto mong patunayan yung sarili mo. Sa dami ng gusto mong magawa eh wala ka tuloy matapos. Alam mo kung bakit? Kasi ginagawa mo yun para may mapatunayan ka sa ibang tao, hindi mo ginagawa yun para may mapatunayan ka sa sarili mo. Sana lang marealize mo na yung mga sinabi at ginawa ko para sayo dati eh sincere. Yun lang naman ang marealize mo eh okay na ko.
Wala ka naman ng dapat patunayan. Kahit na anong gawin mo yun na ang tingin ng tao sayo. Kung gusto mo talagang bumilib sila sayo subukan mong bumuga ng apoy, tumulay sa baga, kumain ng buhay na buwaya. Sana lang yung mga nasayang na pagkakataon maisip mo padin, aaminin ko sayo kahit konti umaasa padin ako.
Pero wala na eh. Wala na talaga.
Ang kinatatakot ko nalang ngayon, isang maling salita o maling magawa ko lang...
Baka maulit na naman lahat, kung kelan muli na kong masaya.
No comments:
Post a Comment