Tuesday, April 26, 2011

BIGLAAN.

Bumalik na naman ako sa dati, yung wala na naman akong pakialam sa mga tao. Oo, may mga crush ako pero yun tipong hanggang ganun nalang lagi. Sa una kikiligin ako ng sobra tapos bigla na namang tatamarin nalang ako. Baka tuloy hindi ako makapagasawa nito eh. :)) Pero ewan ko.

Katulad netong bago, puta kung makablog ako tungkol sa kanya eh kala mo siya na talaga boyfriend ko. Noong una, masaya. Noong una, nakakakilig. Noong una, hindi nagpapatulog. Noong una, akala ko okay na. Pero sa una lang pala lahat. Kalaunan balik na naman ako sa dati, walang pake. Walang kilig, mabilis mairita. Lalo na pag nakakakita ako na may ugali na katulad sakanya, ako na mismo matatauhan. Hindi ko na kailangan ng mga taong magsasampal pa sakin. Wala na naman akong pake. Ayoko na maging ganito, gusto ko na ulit makakilala noong guy na magpapakilig sakin.

Hindi ko na talaga alam yung feeling ng "in love". Hindi na ko marunong magsabi ng "I love you" ng galing sa puso, paminsan o madalas nasasabi ko nalang yun kasi uso. Ewan ko, I just miss being someboy's someone. Ayoko nadin ng ganito pero ako din may kasalanan, pag may nagparamdam biglang ayoko. Ewan ko ba kung bakit. Putangina naman kasing love yan, hindi mo alam kung kelan totoo, kung kelan joke, kung kelan magsisimula at kung kelan matatapos.

Pero may isa akong mahal ngayon, yun ay pagkuha ng magagandang pictures. Wala man akong SLR pero makikita mo ko, kahit anong camera pa mahablot ko basta ba inagaw ng bagay na yun yung atesyon ko, tiyak kukunan ko siya ng picture. Hindi ako mayaman, hindi ko naman talaga kailangan ng SLR para kumuha ng magandang larawan eh, kailangan ko ng puso. Puso na nakakakita ng pinakamaliit na detalye sa larawan na kukunan ko. Pusong marunong umappreciate ng halaga ng bawat anggulo ng subject ko. PERO GUSTO KO PADIN SIYEMPRE NG SLR. Sa ngayon siguro, ang sining muna ang mamahalin ko. Baka dito ko matagpuan yung lalakeng mamahalin ko ng buong-buo. :)

No comments: