Wednesday, May 11, 2011

Sana hanggang ngayon katabi kita..

para masabi ko kung gaano ka kahalaga. Para hindi na ko umiiyaka sa gabi, lalo na kapag naaalala ko yung mga araw na lagi tayong masaya. Para hindi lang puro ala-ala yung kasama ko. Para hindi ako ganito, hindi marunong magmahal, at nakakandado ang puso. Sana hanggang ngayon katabi kita, para may nagtatanggol sakin kapag may lalaki nagbabalak wasakin ang puso ko, para may nagpapaalala sakin kung ano yung mali at tama. Para lagi akong may nakahandang isasagot sa mga nambabara sakin. Sana hanggang ngayon katabi kita, para hindi malungkot ang buhay ko. Para lagi akong nakangiti tulad ng dati. PARA LAGI NALANG MASAYA.

No comments: