Sunday, April 24, 2011

MAY NABAGO NGA BA?

Paulit-ulit ko ng sinabi ang "I've changed". Sa twing may nagtatanong sakin ng "what's new?" lagi kong sagot ang "I'm new." Ang dami ngang nabago, siguro sa itsura ko pero sigurado nga ba ako na bago ako?

Ilang araw na din akong wala sa mood, meron na ngang nakabangga yung ugali ko na ayaw na ayaw niya. Oo alam ko na masungit ako pero diba nga nagsusungit na ako sana man lang give me space. Putangina kasi, nagsusungit na yung tao, kukulitin mo pa. Kinginang yan tapos ikaw pa magagalit? Pero hindi yan yung issue. Bakit nga ba ako nagsusungit netong mga nakaraang araw?

Yan ay dahil sa sakit na anim na taon ko ng iniinda, sakit na hindi ko alam kung ano yung pinanggagalingan pero alam kong malalim siya. Sakit na biglang mawawala ng matagal pero pag bumalik ay SOBRA SOBRANG pahirap talaga. Sakit na mas malala pa sa pinakamalalang sakit na alam ng mga malay-tao natin, sakit na hindi kayang pagalingin ng pinakamagaling na doctor na nabubuhay sa mundo, SAKIT NA DULOT MO.

Ang tanga tanga ko na ba? Ako nalang kasi ang may alam nito, hindi ko na ugali na ipaalam pa sa iba. Ang tagal nadin kasi, pero sa twing tinatanong ka sakin ng nanay ko andun padin yung pakiramdam ng naiipit yung puso ko. Andun padin yung mga hiling na sana tayo nalang, na sana ako nalang, na sana bagay tayo, na sana mahal mo din ako.

Ang alam ko magaling na ang mga sugat, may peklat pero kahit papaano konti nalang yung nakakapansin. Ang akala ko wala nang bakas ng mga nangyari noon, akala ko kaya ko na. Sabi ko kasi sa sarili ko ang magagawa ko nalang para sakanya ay yung makinig kapag may gusto siyang sabihin, pero malay ko bang ako pala ang may kailangan sa kanya.

Hanggang ngayon siguro mahal ko pa siya, hindi dahil nasasaktan pa ko pero dahil naging bahagi na siya ng pagkatao ko. Yun tipong alam kong kulang ako kapag wala siya. Hindi ako buo kung hindi ko siya nakilala. Ang tagal na naming hindi nagkikita pero yung hiling ko na sana bukas para na kami sa isa't-isa, andun padin...

Hindi na yun mawawala.

No comments: