Wednesday, November 10, 2010

EHSAGSTOKOMAGTAGALOG

Ayyyy... Tinanggal niya na yung DP na ginawa ko, halos sabay kami nagpalit ng DP pero nauna ako. *mej pareho kami ng DP dati* K, move on. (;

Ano ba ang pag-ibig? Siguro hindi ko na yun kayang i-explain ngayon, dati siguro masasabi ko na ang pag-ibig ay yung kakaibang pakiramdam na nararamdaman mo para sa isang tao lang. Pag naramdaman mo na yun, alam mo na agad kung pag-ibig yun. Walang paliwanag o walang definition na masasabi nating eksakto para sa salitang yun.

Minsan sa buhay ko, nagmahal ako. Aminado ako dun. Hindi ko nakayang pigilan. Nasaktan-nagmahal ulit. Umasa- nasaktan. Napansin ko na sa bawat makakaramdam ako ng iba para sa isang tao, hindi ko maiiwasan ang masaktan. Lagi nalang part yun ng kung ano mang connection yung mabubuo. Nakakainis lang, pero reality to eh. Kailangan kong tanggapin. Ang kaso, habang buhay nalang ba akong tanggap nalang ng tanggap ng sakit? Lagi nalang bang one sided? Paminsan tuloy ayoko nang i-try, nang wala ng umasa tas wala ng masaktan. Para masaya na lahat. Ayoko nang tumingin sa kahit sino. Pero may isang bagay akong aaminin, kahit kanino pa ko tumingin isang tao lang yung nakikita ko. Hindi ko maiwasan eh. Kahit ako naiinis na ko sa sarili ko kasi parang ako nalang yung nakakapit tas siya matagal nang bumitaw. Araw-araw nasasaktan padin ako kahit mali.

5 years ago... Tagal na pala, limang taon nadin pala. Hindi ko naisip na ganun nadin pala katagal nung una kong maexperience ang napakasakit at napakasaklap na one-sided love. Naramdaman ko namang kahit papaano, naging mahalaga din ako sa kanya. Ayos na yun. Yung idea na yon ay sapat na para maging masaya ako, at umasa sa loob ng limang mahahabang taon.

Ngayon siguro nagkamali na naman ako, pero bawat mali ko natututo ako. Natututo ako na hindi lahat ng bagay nagwowork lang sa loob ng isang buwan. Hindi mo masasabing mahal mo na ang isang tao dahil hindi mo siya maalis sa isip mo. Hindi sapat na basehan ang katext mo lang siya hanggang madaling araw para masabing mahalaga ka na sa kanya. At lalong hindi dahil nagpaparamdam siya ng kung ano eh mahal ka na niya. False hopes at matatamis na salita pag nagsabay ay masakit ang kahihinatnan.

Hinay-hinay nalang siguro muna. Napagtanto ko na mahirap punan yung space na naiwan niya sa buhay ko at hindi yun kayang basta nalang mapalitan ng iba. Kahit anong pilit ko, kahit anong subok ko. KUNG HINDI AY HINDI TALAGA.

No comments: